33.4 C
Manila
Friday, July 5, 2024

Mayor Degamo: ‘Ang kulungan ay para sa lahat’

SINAGOT ang aming mga panalangin.

Ito ang naging reaksyon ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo, sa pagkakadakip kay Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa bansang Timor-Leste.

Ang dating Congressman na si Teves ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Governor Degamo noong Marso 2023 habang namamahagi ng ayuda sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental. Kasama namatay ang siyam na iba pa.

Ayon sa Department of Justice (DoJ), naaresto ang dating mambabatas Huwebes ng hapon noong Marso 21 sa isang golf driving range sa capital ng East Timor, ang Dili.

Nakipag-ugnayan umano ang Philippine Embassy sa International Criminal Police Organization (Interpol) National Central Bureau sa Dili kaugnay sa ekstradisyon, ayon sa DoJ.

BASAHIN  3 suspek sa Jumalon slay, tinukoy ng PTFoMS

“Sa palagay ko sapat na yong makita namin na nakakulong na siya, para patunayan na ang kulungan ay totoong para sa lahat, hindi lamang para sa mga mahihrap o mga taong walang koneksyon.

Sinabi pa ni Degamo na nakausap na rin niya ang ilan sa mga kaanak ng iba pang mga biktima.

“Yesterday, nagtawagan kami, nag ano pa nga, nag agree kami na magpamisa kami and talagang, wala, mahirap po siya i-explain. Talagang everyone is happy,” dagdag pa ng biyuda.

BASAHIN  Manyak na Indian national nalambat sa Rizal

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA