Tirador ng vape shop nalambat sa Malabon

Share

NALAMBAT ng Malabon Police  ang isa sa dalawang suking kawatan na nanloloob sa mga vape shop sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Bingbong”, 25-anyos, residente ng Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Nakatakbo naman ang kasabwat nito sa pambibiktima ng vape shop kaya siya lang ang nahuli.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, bandang 1:30 ng madaling araw nang puwersahang pinasok ng dalawang suspek ang rolled-up door, gamit ang dala nilang pangwasak sa padlock.

Nilooban  ang 5R Vape Shop sa 102 M.H. Del Pilar St. Brgy. Tugatog na pag-aari ng negosyanteng si Regina Rigor. 

Isang testigong si Jonathan Estabillo, 27-anyos ang nakarinig ng ingay sa lugar kaya agad na itinawag sa pulisya ang nagaganap na nakawan.

BASAHIN  Tiyuhin timbog sa panggagahasa sa pamangkin

Patakas na sakay ng kani-kanilang bisikleta ang dalawang kawatan, tangay ang 16 na piraso ng disposable vape na nagkakahalaga ng P7,200.00, nang dumating sina P/Cpl. Federico Penida, Jr. at Pat. Cris Meredores ng Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakadakip kay ‘Bingbong’.

Nakuha sa suspek ang isang patalim, backpack na naglalaman ng tinangay nilang disposable vape, 2 burglar’s tools, plier, steel bar, ATM card at sirang padlock, pati na ang dalawang bisikleta na gamit nila sa pagtakas.

Patuloy ang imbestigasyon at paghuli sa nakatakas na suspek na kung saan talamak na tirador ng vape shop ang magkasabwat.

Nanawagan naman ang Malabon Police  sa ilang establisimiento na posibleng ninakawan din ng mga kawatan upang kilalanin ang nadakip na nakadetine ngayon sa custodial facility ng Malabon Police Station at magsampa ng kaso.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

5 sugarol nahulihan ng baril, iligal na droga sa Rizal

KALABOSO ang limang sugarol matapos makumpiska ang mahigit sa P60,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu nang kapkapan ito ng mga pulis bandang 6:40 ng umaga,...