17 pamilya, naapektuhan ng sunog sa Binangonan, Rizal

Share

Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 kabahayan sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal, noong Sabado.

Aabot sa 17 pamilya ang naapektuhan ng sunog na kasalukuyang nasa Saint Francis of Assisi Chapel na kalapit ng barangay, habang isang fire volunteer naman ang nasugatan sa insidente.

Batay sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection-Binangonan, aabot sa ₱750,000 ang halaga ng ari-arian na naabo sa sunog.

Ayon kay SFO1 Julian Lenon Membreve, fire investigator, nagsimula ang sunog bandang alas-9:17 ng gabi at dakong alas-9:19 nang itaas ang first alarm, na umabot ng second alarm bandang alas-9:37 ng gabi.

Dakong alas-10:19 ng gabi nang ideklara itong fire out.

BASAHIN  Mayor Nieto ng Cainta: ‘Di ko peg maki-alam sa mga galawan ng iba

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Nagretirong opisyal, 2 kawani ng army pinarangalan

OPISYAL na pinarangalan ni Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete ang mga nakatakdang magretiro sa serbisyo na mga opisyal at kawani ng Philippine Army. Ito'y...