₱30-K koleksyon nakaligtas sa pulis

Share

MALAKI ang pasasalamat ng isang kolektor ng bayad sa mga inorder na gulay makaraang mahulugan siya ng ₱30,000 bayad at napulot ng nagpapatrulyang pulis na kung saan ay isinaoli sa kanyang amo, kamakalawa sa Balintawak Market, Quezon City.  

Sa report ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) personnel, nagsasagawa sila ng routine patrol duty sa kahabaan ng Edsa/ Balintawak nang mapansin ang isang blue plastic bag at nang pinulot ay naglalaman ito ng ₱30,000.00 cash at isang identification card ng Edgar Osila.

Agad na inimbestigahan ang pangulan sa ID at nakilalang taga-Balintawak Market ang may-ari at nagtatrabaho sa palengke. 

Nabatid na si Osila ay errand boy na nangongolekta ng bayad sa vegetable business ng isang negosyanteng si Rhea Bernardo at sinabing kolektor niya sa Osila at nahulugan umano ito ng koleksyon.

BASAHIN  Road rage sa Makati, suspek sumuko 

Malaki ang pasasalamat ni Bernardo sa QC cops dahil naibalik sa kanya ang pera na nawala na sana ng kanyang errand boy.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Unregistered na sasakyan, huhulihin na! – LTO

“No registration, No Travel”. Tiniyak ito ng Land Transportation Office (LTO) matapos nitong utusan ang lahat ngregional offices sa buong bansa na ipatupad ang polisiyang...