Bodega ng spare parts ng motorsiklo sa Caloocan City, nasunog

Share

Tinupok ng apoy ang isang bodega ng mga piyesa ng motorsiklo kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Batay sa ulat ng Caloocan City Fire Department, sumiklab ang sunog bandang 1:00 ng madaling araw sa loob ng opisina ng bodegang pag-aari ng isang Alberto Uy sa 320 A. Poblacion, A. Mabini Brgy. 19.

Una umanong nakarinig ng mahinang pagsabog ang caretaker ng bodega na si Kimberly Emilio at nang silipin niya ay malaki na ang apoy.

Umabot sa unang alarma ang sunog at tuluyan nang naapula ang sunog bandang 2:39 ng madaling araw.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente, ngunit tinatayang aabot sa ₱2 milyon ang halaga ng ari-ariang napinsala sa sunog.

BASAHIN  34 TODA-Embo susuporta na sa Taguig

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Love the Philippines Video, Trabahong Tamad – Salceda

SINERMONAN ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang lumikha ng Love thePhilippines, ang pinakabagong promotional video ng Department of Tourism (DOT) nangnapag-alaman na...