33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

People’s initiative: Mga senador, dismayado sa pirma-bayad

NAGPAHAYAG nang pagkadismaya ang ilang senador kahapon dahil sa natanggap
nilang report na may bayarang nangyari sa pagpapapirma para sa people’s initiative,
para sa Cha-Cha.


Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, dapat na raw tigilan ng mga taong
sangkot sa bilihan ng pirma na magmamaniobra ng resulta sa people’s initiative.


“Magpakatotoo na lang po kayo. Alam naman po natin na ang totoong dahilan kaya
pinagpipilitan nilang buwagin ang Senado ay para kontrolin ang kapangyarihan sa
ilalim ng unilateral o iisang Kongreso,” ayon kay Villanueva.


“Higit po sa lahat, nais nilang palawigin ang kanilang mga termino”, dagdag ni
Villanueva. Idnugtong pa niya na hindi solusyon ang charter change sa mga problema
ng bansa.

BASAHIN  Biktima tayo ng ating tagumpay - Marcos


Ayon kay Senador Imee Marcos, “Para sa akin, hindi napapanahon at huwag naman
sa santong paspasan [ang signature campaign].”

Bukod pa sa mga video na nag-viral, mayroon pang TVCs o TV commercials na
nananawagan para sa Cha-Cha.


Sinabi pa ni Gatchalian na ang tila political ad ay inilalarawan na isang malaking
kabiguan ang 1987 Constitution.


Sa ilalim ng people’s initiative, kailangang ng mga naglulunsad nito ang suporta na 12
percent ng lahat ng rehistradong botante at three percent ng lahat ng botante sa
bawat legislative district.

BASAHIN  Anti-Agri Smuggling Bill, nakatengga, mga kongresista busy sa PI?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA