Mga empleyado ng senado, maagang pinauwi ngayong araw

0
298

Maagang pinauwi ngayong araw ang mga empleyado ng senado

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hanggang alas-2:00 ng hapon lang ang  pasok ng mga Senate employee.

Pinauwi nang maaga ang mga empleyado para maiwasan na mahirapang makauwi o ma-traffic ang mga ito sa gitna ng Traslacion 2024.

Samantala, hindi naman kasama sa maagang pinauwi ang mga tauhan ng Senate Sargeant at Arms at Maintenance and General Services Bureau dahil may shifting schedule ang mga ito.

BASAHIN  Zubiri, ayaw pirmahan, subpoena para kay Quiboloy?

About Author