33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Business permit renewal sa Munti, humirit na

Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang lahat ng mga may-ari
ng negosyo at establisyemento sa lungsod na mag-renew na ng kanilang permits at
licenses sa simula ng taon.


Nagsimula ang proseso nitong Enero 2 at magtatapos sa Enero 20, 2024. Pwedeng
mag sa Muntinlupa Sports Center mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa
ilalim ng pangangasiwa ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).


Pinasalamatan ni Mayor Ruffy Biazon ang mga negosyanteng maagang nag-renew
kagaya ni Laudemer Waminal ng Bgy. Poblacion. Hinikayat niya ang iba pang
negosyante na mag-renew kaagad ng business permit para maiwasan ang abala dulot
nang mahabang pila at multa.

BASAHIN  71 hindi rehistradong sasakayan sa CoA report, hindi na ginagamit - MMDA


“Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa mga taxpayers. Ang buwis na inyong
binabayad ay napupunta sa serbisyo at mga programang tulad ng scholarship (na may
halos 80,000 beneficiaries), libreng balik-eskwela package para sa halos 100,000
students, infrastructure projects at iba pa. Sinisigurado nating tutugon ang buwis na
kinokolekta natin sa mga pangangailangan ng mga Muntinlupeño at corporate citizens
ng Muntinlupa,” saad ni Biazon.


May libreng sakay mula city hall papunta sa Muntinlupa Sports Center na inihanda ng
BPLO para sa convenience ng mga magbabayad ng buwis.

BASAHIN  Pagre-rehistro ng sasakyan, tataas ng 250%

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA