33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Rutang Naga-Legazpi, balik-operasyon na

Matapos ang anim na taon, aarangkada na simula bukas ang rutang Naga-Legazpi ng Philippine National Railways.

Ayon sa pamunuan ng PNR, magkakaroon ito ng apat na biyahe araw –  araw mula Naga City, Camarines Sur hanggang Legazpi City, Albay at vice versa.

Hihinto ang tren sa mga istasyon ng Naga, Pili, Iriga, Polangui, Ligao, Travesia, Daraga, at Legazpi.

Mayroon din itong walong flag stops sa Baao, Lourdes, Bat, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.

Nasa ₱15 hanggang ₱155 ang pamasahe rito at maaaring mag-avail ng discount ang mga senior citizens, mga estudyante at persons with disability, basta’t ipiprisinta lamang ang kanilang identification cards o ID.

BASAHIN  ‘Hotmeals on Wheels’ ng Red Cross umarangkada sa Laguna

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA