Mahigit 400 PWUDs, nakatanggap ng pamasko mula sa San Juan LGU

Share

MAAGANG nakatanggap ng aguinaldo ang nasa 420 Persons Who Use Drugs (PWUDs) mula sa San Juan local government unit.

Binigyan sila ng LGU ng Pangkabuhayan Package, na ginanap sa San Juan City Hall Atrium, sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora.

Ibinahagi ng alkalde na sa pamamagitan ng City Anti-Drug Abuse Council nasa 420 PWUDs mula sa rehabilitation program ang nakiisa at nakatapos ng programa.

Nakatanggap ang mga ito ng isang sako ng 50 kilo ng bigas, hygiene kits, tatlong dosena ng itlog, at tatlong bags ng groceries, na naglalaman ng canned goods, kape, gatas, noodles, biscuits, cupcakes, cooking oil, at condiments.

BASAHIN  17-oras na street parking ban sa MM planong ipatupad

Binigyang diin pa ni Mayor Zamora na bahagi ito ng pagkakaroon ng 100% barangays drug cleared at nakatakda rin itong i-apply sa PDEA bilang drug free city.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Ilang jeep sa Marikina City pinili na mamasada sa kabila ng transport strike

PANGALAWANG araw na ng isinasagawang week-long strike ng mga tsuper ng jeep ngunit mayroon pa rin na mangilan-ngilan ang pinili na bumiyahe partikular na...