33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Bilang ng nasawi sa Antique bus crash, 17 na

Umakyat na sa 17 ang nasawi sa Barangay Fabrica sa Hamtic, Antique nitong Martes,
matapos mahulog sa bangin ang isang bus ng Ceres Liner.


Sinabi ni Antique Governor Rhodora Cadiao na kaagad namatay ang 13 at 4 pa ang namatay sa ospital. Idinagdag pa niya na isa sa walong pasahero ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa malubhang pinsala sa ulo ang namatay.


Kabilang sa mga namatay ang driver ng bus, konduktor, at inspector. Ito ang kinumpirma
nitong Miyerkules ng operator na Vallacar Transit Inc.


Ilan sa mga labis na nasaktang pasahero ay dinala sa Angel Salazar Memorial General Hospital.

Sa opisyal na pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang bus ay papuntang Antique mula sa Iloilo City nang nagkaroon ito ng “mechanical failure”, kaya ito nahulog sa mataas na zigzag road ng Barangay Igbucagay.

Sinabi ng gobernador na maaaring may problema sa disenyo ng kalsada, o kaya sa bus mismo.
Baka raw nawalan ng preno ang bus, ayon sa isang nakaligtas na pasahero.

BASAHIN  Produktong gawa sa niyog at durian tampok sa IFEX Philippines 2024

Samantala, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asst. Secretary Vigor Mendoza na kaagad iimbestigahan ang aksidente.

Inutusan din niya ang lahat ng LTO regional directors sa Western Visayas na paigtingin ang
kanilang “road worthiness inspection” ganoon din ang “no registration, no travel” policy.

Sinuspindi rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and
kumpanya ng Ceres sa loob ng 90 araw, simula nitong Miyerkules bilang pag-iingat.

Sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, “We already issued a 90-day preventive suspension
to the entire fleet, meaning to say ‘yung mga bus na nagbibiyahe ng rutang ‘yon, there are 15 of them, have already issued a preventive suspension right away.”


“Titingnan namin ‘yung ledgers sa terminal kung ano ‘yung condition bago ito umalis and of
course, we will look also into the condition of the driver,” idinagdag pa niya.


Bukod pa rito, nakipag-ugnayan na rin ang LTFRB sa insurance company para mabayaran ang mga biktima o mga naulilang pamilya.

Sinabi ng bus operator na magbibigay sila ng tulong-pinansiyal sa mga pasahero at mga kamag- anak ng mga namatay, pati na rin gastusin sa pagpapagamot at pagpapalibing.

BASAHIN  Unconsolidated, unregistered PUVs huhulihin—LTFRB


Samantala, ayon kay Guadiz, tinitingnan pa rin nila ang report na sa lugar ng aksidente rin
naganap ang parehong aksidente na ikinamatay ng dalawang pasahero ilang taon na ang
nakalilipas.


Para hindi na ito maulit pa, sinabi ni Guadiz na dapat tiyakin ng operator na nasa mahusay na kondisyon ang kanilang sasakyan, pati na rin ang driver nito.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA