Businesswoman na nag-isyu ng talbog na tseke, timbog sa Pasig City

Share

Isang babae sa Pasig City ang dinakip ng mga otoridad kamakalawa ng hapon, matapos mag-isyu ng talbog na tseke.

Kinilala ang suspek na si Alyas Maria, 56-anyos, isang negosyante, residente ng Barangay Dela Paz, Pasig City.

Nabatid na kinikilalang Most Wanted Person ang suspek dahil sa 19 Counts na paglabag sa Bouncing Check Law.

Ayon kay PCol. Celerino Sacro, Jr., hepe ng Pasig City Police, inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Theresa Dizon, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 155, Pasig City, kung saan binigyan ng pagkakataon ang suspek na makapagpiyansa ng P444,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

BASAHIN  27 barangay sa Pasig nabigyan ng de-kalidad na PTV, Mayor Vico bumida

Dinala naman ang suspek sa Pasig custodial facility para sa imbestigasyon habang hinihintay kung maglalagak ito ng piyansa.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Muntinlupa PWDs, Senior Citizen nakakuha ng trabaho sa ilang fast food chains

Binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ilang fast food chains ang mga persons with disabilities (PWD) at senior citizens sa Muntinlupa City. Kasunod ito ng...