33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

WPS: Pilipinas ang nagdedesisyon, hindi ang US

NILINAW ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, na
hindi isang puppet ng United States (US) ang Pilipinas para magpadikta rito hinggil sa
usapin sa West Philippine Sea (WPS).


Mayroon daw sariling pag-iisip at desisyon ang pamahalaan ng Pilipinas kung paano
kumilos para tugunan ang mga isyu sa WPS at hindi kailangan ang payo o impluensya ng
US o kahit na aling bansa.


“Tayo po ay isang malayang bansa at meron tayong foreign policy na independente. So sa
akin, parang malaking insulto iyon. Sinasabi nila na dinidiktahan tayo ng ibang bansa sa
ating ginagawa,” saad ni Aguilar.


Isa umanong malaking insulto sa Pilipinas, na isang bansang may soberanya, kung
magiging sunud-sunuran ito sa gustong mangyari ng US.

BASAHIN  Eddie Garcia Bill maipapasa na ng Senado —Jinggoy


Idiniin ni Aguilar na tanging ang Pilipinas lamang ang nagdedesisyon kung kalian dapat
isagawa ang rotation at resupply mission.


“It is for our country to make sure that we fulfill our responsibility being bestowed by the
sovereign rights and jurisdiction to ensure that we are able to harvest, or to benefit from
the resources therein,” aniya pa.


Sa ilalim ng administrasyong Marcos, dapat daw na tiyaking naipatutupad nang husto ang
mga programa para maprotektahan ang ating kalikasan, kasabay nang patuloy na
pagbibigay proteksyon sa bansa laban sa sinomang dayuhan na nais manakop.

BASAHIN  China ang intruder, hindi Pilipinas – DFA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA