DOE, DPWH, pabilisin ang polisiya para sa ev charging stations -Gatchalian

Advertisement

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DoE) at Department of
Public Works and Highways (DPWH) na madaliin na ang pagpapalabas ng patakaran o polisiya
sa EV charging stations para maparami ang gagamit ng electric vehicle (EV) sa bansa.


“Ang pinakamalaking hadlang sa paggamit ng mga EV ay ang kawalan ng charging stations…
Nag-aalangan ang mga tao na gumamit ng EV dahil walang lugar kung saan sila pwedeng mag
charge ng kanilang sasakyan. Kaya, ang pinakamalaking hamon ay ang punan ang kakulangan
ng kinakailangang imprastraktura at patakaran para sa paglalagay ng charging stations,” sabi ni
Gatchalian.


Bukod sa DoE, nilinaw ni Gatchalian na may kailangan ding ayusing polisiya ang DPWH para
tuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng EVs sa bansa. Aniya, nakatoka sa DPWH ang paggawa ng
revision sa Implementi ng Rules and Regulations (IRR) ng National Building Code at ang Green
Building Code para sa instalasyon ng charging stations.

BASAHIN  ‘Mahiya naman kayo!’ | ‘Nakinabang’ sa palpak na flood control projects binanatan ni PBBM
Advertisement


Kasunod ng pagbubuo ng Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI),
nagtakda ang gobyerno ng konserbatibong target na 850,100 EV sa bansa at charging stations (EVCS) na aabot sa 20,300 EV pagdating ng 2040. Ang mas ambisyosong target naman ay
nagtatakda na magkaroon ang bansa ng higit sa 2 milyong EV at 40,000 EVCS sa 2040.


“Pinag-iisipan ko ang isang mekanismo kung saan maibabalik natin ang VAT sa mga lilipat sa
mga EV. Sa madaling salita, ito ay 12 percent na subsidiya para sa mga bibili ng mga EV… Ang
pagbibigay ng mga subsidiya para sa mga gumagamit ng EV ay isang mekanismo na ginagawa
na rin ng ilang mga bansa upang makahikayat ng mas maraming gagamit ng EV,” pagtatapos ni
Gatchalian.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Mariel, ginawang clinic ang office ni Robin

NALILIGALIG si Sen. Nancy Binay dahil sa ginawang klinika ni Mariel Rodriguez, misis ni Sen. Robin Padilla ang opisina nito sa Senado. Sa opisina kasi...