Frankie pangilinan, tepok daw sa inggit kay KC?

Share

USAP-USAPAN ngayon sa showbiz circles ang diumano’y tunay na dahilan kaya
nagkakatampuhan sina Sharon Cuneta-Pangilinan at ang anak nitong si KC, sa una niyang
mister na si Gabby Concepcion.


Ito raw ay ang datung at mansyon.


Matatandaang nang buhay pa ang lolo’t lola ni KC na sina Pablo at Elaine Cuneta, tanging kay
KC lamang daw nila ipinamana ang mansyon nito, iba pang ari-arian, at pera. Lahat nito ay
tinatayang aabutin daw ng isang bilyong piso. Zero nga ba ang mana ni Sharon dahil malakas
naman daw itong kumita sa showbiz?


Sa ilang post sa YouTube, tila sinumbatan diumano ni Sharon si KC dahil mahigit P30 milyon
daw ang ginastos niya sa pagpapaospital sa mga magulang noong maysakit pa ang mga ito.
Dapat daw na hatian ni KC ang half-sister na si Frankie para makapagsimula ito ng sariling
buhay. Pero tumanggi si KC.

BASAHIN  KC Concepcion, naglabas na nang hinaing


Sinabi pa ng ilang marites na diumano, mamatay-matay daw sa inggit si Frankie kay KC dahil
bukod sa mas maganda ito, bilyonarya pa ang kanyang half-sister. Pero isang kasinungalingan
daw ito, ayon sa ilang taong malapit kay Sharon.


Siguro, kung ipinanganak na noon sina Frankie at Miel, tiyak na pamamanahan din ito ng
kanilang lolo’t lola. Hindi naman siguro magswa-swapang ang mag-asawang Pablo at Elaine sa
kanilang tunay ding apo, lalo na’t babae rin ang mga ito.


Dahil namayapa na ang lolo’t lola ni KC, walang sinumang makapagbabago sa nakasaad sa
testamento na pabor diumano kay KC.


Ayon sa fans, sana maayos na ang gusot nina Sharon-KC.
Mga ka-Brabo, kung kayo si KC, papartihan ba ninyo si Frankie?

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...