33.4 C
Manila
Friday, December 20, 2024

Ex-sen. Manny pacquiao, niyakap ng ‘Terorista

NAG-VIRAL sa social media ang video nitong Sabado na nagpapakitang niyakap si dating
Senador Manny Pacquiao ng isang “terorista” sa airport ng Timor-Leste.


Tinukoy na “terorista” ng Anti-Terrorism Council ng bansa si expelled Cong. Arnolfo “Arnie”
Teves, noong Hulyo 26, 2023. Ito diumano ay dahil sa pagkakaroon nito ng private army at
dahil siya rin ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel de Gamo noong
nakaraang Marso 4.


Sa nag-viral na video, makikitang mabilis na niyakap ni Teves sa Pacquiao ilang minuto
pagkababa ng eroplano, na ikinagulat ni Pacquiao pati na bodyguards nito.


Sa isang eksenang papasakay na sa kotse si Pacquiao, makikitang sapilitang itinutulak si Teves
palayo sa kotse at hinarangan pa ng isang maskuladong bodyguard para hindi na makalapit pa.

BASAHIN  Contemplacion, inosente nga ba?


Sinabi nga ng ilang netizens na muntik na raw masapak si Teves dahil sa pagiging mapilit nito
na lumapit sa pambansang kamao.


Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano nitong Biyernes, ang pagkikita nina Pacquiao at
Teves sa airport ay aksidente lamang.


Inimbitahan si Pacquiao ni Timor-Leste President Jose Ramos Horta para sa pagdiriwang ng
kanilang Independence Day, at hindi para makipagkita kay Teves.

“At nakakuha rin kami ng statement galing sa kampo ni former Senator Manny Pacquiao na
ito ay isang chance encounter lamang po at hindi naman sinadya na magkita sila doon sa
mismong airport,” saad ni Clavano.

BASAHIN  PBBM, Chinese Pres. Xi, nagpulong kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA