Kapit sa patalim: 71% ng manggagawang Pilipino

Share

KAPIT sa patalim!


Ito ang kadalasang nararanasan ng 71 porsyento ng mga manggagawang Pilipino kapag nagigipit,
dahil wala silang naipon.


Ayon sa datus ng Cebuana Lhuillier (CL) financial services, 47 porsyento ang napipilitang
manghiram ng pera kahit para sa basic needs gaya ng pagkain, gastusing medikal, edukasyon, at
emergency, na nagreresulta sa matinding stress, at kung minsa’y karamdaman.


Nakababahala raw na umaabot sa 72 sa mga manggagawa ang napipilitang “lunukin” ang malaking patubo ng loan sharks, ayon sa CL.


Ayon pa sa pag-aaral, 60 porsyento ng mga empleyadong Pilipino ang umaasa sa kanilang
employer na tumulong sa kanila sakaling magkaroon nang problemang pinansyal.

BASAHIN  Suspek sa Cebu pawnshop robbery, pumasa sa Bar exams


Sinabi ni Jean Henri Lhuillier, pangulo at CEO ng CL na sila ay nakipag-partner sa kumpanyang
Advance sa paglulunsad ng isang plaform na makatutulong sa mga employer na makapagbigay ng
agarang tulong-pinansiyal sa kanilang empleyado, na walang anumang obligasyon sa kumpanya.


Ang Advance ay isang financial technology company na naka-base sa bansa na nagpapautang at
nagbibigay ng solusyong-pinansiyal sa mga nangangailangan nito.


Ayon pa kay Lhuillier, malaki daw ang maitutulong ng Advance sa mga maliliit na namumuhunan o
kumpanya.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Matet de Leon, binastos sa PWD lane ng supermarket

NAKARANAS nang diskriminasyon kamakailan ang celebrity na si Matet de Leon, o Ma. NoraTheresa Villamayor, adopted daughter ni Nora Aunor. Ibinahagi ni Matet sa kanyang...