Text scams, tuldukan na – Poe

Share

TULDUKAN na!


Ito ang nais mangyari ni Senator Grace Poe sa text scammers, nang natapos ang deadline sa SIM
card registration noong Hulyo 25.


Ayon kay Poe, madali na para sa mga otoridad na ma-track at mahuli ang mga scammer na
nambibiktima gamit ang mobile phones.


Ang pagtatapos nang SIM card registration pasimula nang pinaigting na kampanya laban sa mobile phone scammers, ani Poe. Ang senador ang awtor ng R.A. 11934 o ang SIM Registration Act.


“Hamon sa law enforcers na maipakita kung paano masasampulan ang mga lumalabag sa SIM
(card) Registration Law,” dagdag pa ni Poe.


Hindi na raw mangangapa sa dilim ang Philippine National Police (PNP) kapag may nag-report ng
text scam,” aniya pa.

BASAHIN  4,500 ‘Tsuper Iskolar’ may trabaho na


Tiniyak ni Poe sa publiko na ang batas ay mayroon pananggalang para matiyak ang karapatan ng
mga mamamayan sa privacy ay mapangalagaan.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Bea Alonzo kinumpirma na sila na ni Vincent Co

KINUMPIRMA na rin sa wakas ng aktres na si Bea Alonzo ang bulung-bulungan: nobyo na nga niya si Vincent Co na presidente ng Puregold...