206-MW Wind turbines, itatayo sa northern samar

Share

MAGTATAGYO ng 206-megawatt wind power facility sa bayan ng San Isidro, Northern Samar.
Ito ay ayon sa Vivant Energy Corp. (VEC) na nakipag-joint-venture ito sa Aboitiz Renewables,
Inc. (ARI) at Vena Energy para sa San Isidro Wind Power Project, sa naturang bayan.


Sinabi ng Aboitiz Power Corp. na kasama nila ang VEC at Vena sa proyekto at tatawagin itong
Lihangin Wind Energy Corp.


Inaalam pa ang kabuuang halaga ng proyekto, ayon sa ARI.


“We welcome this opportunity to partner with two leaders in renewable energy development
which share our vision of helping the country attain energy security while promoting renewable
energy and contributing to countrywide development,” sinabi Vivant Energy president at CEO
Emil Andre Garcia.

BASAHIN  Reklamo vs quarry ops dedma kay mayor; mga residente nababahala sa banta ng baha

Magsisimula ang konstruksyon ng proyekto simula sa Nobyembre sa taong ito. Inaasahang
magsisimula ang operasyon ito sa 2025.


Ang proyekto ay makatutulong para maabot ng gobyerno ang tunguhin nito na 35 percent


Sinabi ni ARI president at CEO James Arnold Villaroman na ang kanilang pakikipag-partner sa
Vivant at Vena ay nakalinya sa target nito na makapagtayo ng renewable energy source na
4,600 MW sa loob ng 10 taon. Babalansehin nito sa 50:50 ang renewable energy at thermal
energy sources.


Inaasahan ng mga taga-San Isidro na kapag natapos ang proyekto, magiging mas mababa ang
kanilang babayaran sa kuryente kumpara sa mga lugar na gumagamit ng fossil fuel ang power
plants.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Bebot huli sa vote buying sa Navotas

Nalambat ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) at Commission on Elections (COMELEC) Navotas City, ang isang babaeng nahuling nag-iikot sa bawat barangay...