33.4 C
Manila
Monday, January 6, 2025

₱700-K shabu nasabat sa 3 tulak sa Parañaque

Umaabot sa 110 gramo o nasa P700-K halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang  buy-bust operation kamakalawa ng madaling araw sa Brgy San Antonio, Parañaque City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PBGen. Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District (SPD),  nakilala ang mga suspek na sina Arnulfo Apinado  39-anyos, Johnny Zuasola, 52-anyos at Noel Cabeliza, 26-anyos.

Batay sa report, nagsagawa ng  buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU bandang 2:30 ng madaling araw sa Barangay San Antonio matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at isang pulis na umaktong buyer.

BASAHIN  Lalaki kulong sa pagbebenta ng baril sa Caloocan

Agad na hinuli ang tatlong suspek matapos magbigay ng hudyat ang poseur buyer na puwede nang arestuhin ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 11 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may  standard drug price na  ₱748,000.00, ₱ l1000 buy bust money at ₱ 1000 recovered money.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165  sa tanggapan ng  Office of the City Prosecutor sa Parañaque City.

BASAHIN  Lola patay sa sunog, fire truck inararo nasunugan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA