P 3.5-M shabu  nasabat sa 2 tulak sa Muntinlupa buy-bust

Share

Arestado ang dalawang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng 525 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 million sa ikinasang buy-bust operation sa Summitville, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang mga naaresto na sina James M Regonay, 37-anyos at Dante L Cleofe, 48-anyos, kapwa residente ng Holy St., Summitville, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Base sa report na nakalap mula sa tanggapan ni NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., inaresto ang mga suspek bandang 7:20  kamakalawa ng gabi matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang genuine P1,000 na may kasamang  bundle ng boodle money na ginamit bilang buy-bust money; isang android phone;  lighter, at dalawang coin purse na may ID.

BASAHIN  3rd nominee ng Magsasaka Partylist umeskapo sa warrant of arrest

Dinala ang mga nakumpiskang droga sa PNP Forensic Group, Camp Crame, Quezon City habang nakakulong ang mga suspek sa  Muntinlupa City Police Station at sinampahan ng kasong paglabag sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Paggamit ng e-bike ire-regulate

MAGLALABAS ang Metro Manila Council ng isang resolusyon na magre-regulate sa paggamit ng e-bike o electric motor vehicles, lalo na sa mga pangunahing lansangan. Ayon...