33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

POGO ipasasara na

TULUYAN at mabilis na pagpapalayas sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa
Pilipinas.


Ito ang nilalaman ng rekomendasyon ng Senate Committee Report no. 136 na umani nang
suporta sa mga senador.


Ito rin ang hiniling ng executive department committee dahil sa lumalalang problema na dulot
ng POGO operations sa bansa.


Kasama sa report ang paghiling sa Bureau of Immigration (BI) ang pagkansela at pagbawi sa
working visa na naisyu sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO, at ang agarang
pagpapatupad nang proseso ng deportasyon sa mga ito.


Ayon sa rekomendasyon na nakapaloob sa report, hinihiling din nito sa Department of Labor
and Employment (DoLE) na tulungang makahanap ng alternatibong trabaho ang mga Pinoy na
mawawalan ng trabaho dahil sa tuluyang pagsasara ng POGO.

BASAHIN  Wasteworkers, protektahan ang karapatan


Sinabi ni Senate Ways and Means Committee Chair Senator Sherwin Gatchalian, isang
malaking hakbang ang rekomendasyon ng komite para maitigil na ang dumaraming insidente
ng krimen na nagmumula sa ilan sa mga kumpanyang ito.


Idiniin pa ng senador, ang buwis na ibinabayad ng POGO ay umaabot lamang sa P25.5 bilyon
bawat taon, maliit kung ihahambing sa perhuwisyong idinudulot nito sa bayan.


Ayon sa DoLE, may tinatayang 25,000 na manggagawang Pilipino ang nagtatrabaho sa mga
lisensyadong POGO noong 2022. At kapag sila’y nawalan ng trabaho, makatatanggap sila ng
benepisyong katumbas ng isang buwan sweldo.


Ayon sa BraboNews research, sa tinatayang 201,000 Chinese nationals na nagtatrabaho sa
bansa, karamihan dito ay nasa POGO.


Matatandaang gumawa nang imbestigasyon ang Senado may kaugnayan sa mga krimeng
sangkot ang POGO. Inabot ng ilang buwan bago ito nagpalabas ng rekomendasyon – ang
tuluyang pagpapaalis ng mga POGO sa bansa.

BASAHIN  3,000 Espiya ng China, gumagala sa Metro Manila?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA