KC Concepcion, naglabas na nang hinaing

Share

MALUNGKOT na naglabas kamakailan, ng saloobin si KC Concepcion tungkol sa mga
hamong hinaharap niya bilang produkto ng broken family.


Ito ay bunsod nang diumano’y gusot sa kaniyang relasyon sa step-father na si ex-Sen.
Francis Pangilinan at sa anak nitong si Frankie.


May mga pagkakataon daw na nalulungkot si KC dahil sa pagiging “mag-isa ka sa gitna”,
dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby
Concepcion.


Isang malaking hamon daw para kay KC na bumuo ng relasyon sa kani-kanilang pamilya
nina Sharon at Gabby o sa blended family.


“Feeling ko, parang naging responsibilidad kong maging okay sa lahat, and to make sure na
may relationship ako sa lahat… Kasi family is very important for me. I love (my) family,” ani
KC a isang interview ni Ogie Diaz noong Agosto 30, 2023.

BASAHIN  Imbestigador ng ICC hindi papapasukin sa bansa – DoJ


Alam ng dalaga na hindi mauunawaan ng publiko ang kanyang pinagdadaanan.


“Yung mga pamilya po na buo, yung hindi nakaranas ng hiwalayan, hindi nakaranas ng
nawalay sa isa’t isa, baka po mahirapan maintindihan yung mga blended family.”


Nilinaw ni KC na hindi raw bawat kapamilya ay makakasundo ng isang miyembro,

“So, kung sakali man na merong away o hindi pagkakaintindihan, it’s okay. It will be okay”
pagtatapos ni KC.


Hindi naungkat sa interview ni Diaz kung ano ang puno’t dulo nang hindi pagkakaunawaan
ni KC at sa stepfather nito.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

LTO inalerto sa milyun-milyong magbabalik-Maynila

INIUTOS ni Land Transportation (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II sa lahat ng regional directors na maging alerto sa milyun-milyong tao na...