‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

Share

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28 hanggang Mayo 31, 2026.

Sinabi ni Giana Aira Barata, Offier-in-charge ng City Tourism Office ng lungsod at bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, na binigyang-diin ng event na ito na magpapatibay pang lalo ang buklod ng pamilya dahil magkasamang gugugol ng oras ang buong pamilya.

Ayon pa kay Belmonte, layunin din nito na palakasin pa ang critical thinking ng mga bata sa iba’t ibang board games na ilalatag at tiyak na mag-i-enjoy ang buong pamilya.

Maglalaan ng libreng sakay gamit ang QCity Bus mula Cubao, Litex, General Luis, Mindanao Avenue, Gilmore, C5 (Ortigas Exit) at Muñoz patungo sa M.I.C.E. Center.

Nakipag-partner din ang lokal na pamahalaan sa mga hotel tulad ng Seda upang makakuha ng diskwento sa mga room rates para sa mga bisita na sasali mula sa labas ng Quezon City.

BASAHIN  17-oras na street parking ban sa MM planong ipatupad

Tampok sa nasabing event ang laro na “Kalikasan,” ang Philippine edition ng Cascadia kung saan ikikintal sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

May board game din na “Sinigang,” kung saan lalaruin ng mga bata ang tungkol sa paggawa ng pinakamahusay na sinigang, at “Modern Art,” pinagsamang sining matematika at science gamit ang mga obra maestra ng National Artists na sina Larry Alcala at Federico Aguilar.

Libre ang admission sa event na ito para sa mga QCitizens gayundin sa mga kabataan edad 12 pababa ngunit may minimal fee na P150 para sa mga hindi residente ng lungsod.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

P33.5-M na halaga ng bangos sa Taal Lake, nasayang dahil sa fish kill

KINUMPIRMA ng mga otoridad noong Linggo ang isa pang insidente ng fish kill sa Taal Lake,Batangas ang nakapatay sa mahigit 30 tonelada ng bangos...