KUNG HINDI NAGHIGPIT SA VALIDATION

DSWD: ₱2.7-B ang nawalang pera para sa mga rider kung idinaan sa e-wallet

Advertisement

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posible umanong nawala na parang bula ang halos 3 bilyong financial assistance para sa mga transport network vehicle service (TNVS), motorcycle taxi, at delivery driver kung hindi nila hinigpitan ang validation.

Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, tumataginting na 2.7 bilyon ang posibleng nawala dahil sa mga doble-doble at kaduda-dudang mga entries kung idinaan nila sa e-wallets ang nasabing payout.

Idinagdag pa ng kalihim na nagpasya umano sila na gawin itong manual payout upang matiyak nila ang pagkakakilanlan at tunay ang mga benepisyaryo dahil duda sila sa listahang isinumite ng mga transport network companies (TNCs).

Batay sa huling datos, mula sa nakalaang 30-bilyon para sa nasabing programa, naipamahagi na nila ang 5.33 bilyon sa 1,067,976 na mga drayber na tinamaan ng krisis sa buong bansa kung saan nakatanggap ang bawat isa ng

Advertisement
5,000.

BASAHIN  DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

“Hindi sa ayaw gamitin ng DSWD ang e-wallets. Ang totoo, ang iba naming programa tulad ng 4Ps ay idinadaan na namin sa e-wallet,” ang pahayag ni Gatchalian sa isang press conference ngayong araw.

“Ngayon, bakit sa pagkakataong ito ay hindi namin ginamit ang e-wallet? Dahil kailangan naming i-verify at i-validate, una, kung totoong tao ba itong mga kausap namin? Ikalawa, tunay ba silang mga drayber. Hindi kasi kami ang gumawa ng listahan eh,” dagdag pa ng dating alkalde.

Ayon pa kay Gatchalian, ang ibinigay aniya na listahan ng mga TNCs ay maraming mga pagkakamali, nawawalang detalye at napakaraming entries ang doble-doble.

Sa nasabing listahan, nasa 385,000 ang duplicate kaya kung susumahin aniya, aabot nga sa 2.7 bilyon ang nawala at napunta lang sa mga e-wallet companies.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Suspek sa pagpatay sa 2 menor-de-edad kalaboso

PORMAL nang sinampahan ng kaso ang 18-anyos na suspek sa kalunos-lunos na pagpatay sa pinsan at nobyo nito sa loob ng Old Cemetery sa...