MAY ILBO PALA

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

Share

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up.

Ito ang sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla sa isang press conference ngayong araw, batay sa ipinarating na kahilingan ng opisina ng mambabatas.

Ang dahilan ni Remulla ay na dahil si Romualdez ay kasalukuyang nasa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO.

Matatandaan na bago manumpa si Remulla bilang bagong Ombudsman noong Oktubre 9, 2025, isa sa huling pinirmahan nito bilang Secretary of Justice ay ang ILBO ng 33 opisyal na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ang kahilingan ay mula sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) na siyang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-imbestiga sa kurapsyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.

BASAHIN  Cash gift sa may edad na 80, 85, 90, 95

“Hindi namin siya pinaalis. Hindi namin pinayagan na ma-lift ‘yung validity niya kasi nga naka-look out order because we’ve been investigating him actively. Baka hindi na bumalik eh. You know, we don’t want that to happen,” ang pahayag ni Remulla.

Idinagdag pa ni Remulla na inindorso rin nila sa Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang asset ni Romuladez dahil posibleng money laundering ang unang kaso na isasampa nila sa mambabatas.

IBA PANG BALITA

Tax sa yaman ng pinakamayayaman, pagtaas ng sin tax ipinanukala ni Diokno

IPINANUKALA n Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na itaas ang buwis sa sin products, bilang kapalit ng dalawang porsyentong mababawas sa value-added tax (VAT)...

Asset ng mga banko sa Pilipinas nasa ₱29-T na

DAHIL sa pagtaas ng lending at paglipat sa pamumuhunan sa government securities, umabot na sa ₱29 trilyong ang kabuuang asset ng lahat ng bangko...

Higit ₱6-B transaksyon ni VP Sara, asawa kaduda-duda

SA PAGPAPATULOY na pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw ng Miyerkules, sinabi ng isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nai-flagged...

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation...

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...