PERSONAL na tumanggap ang may 103 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa 7 bayan sa Occidental Mindoro ng 117 Electronic Land Title (e-Itles) sa ilalim ng SPLIT Program na sumasaklaw sa 137.8232 ektaryang lupain agricultural.
Ang mga naturang magsasaka ay nagmula sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Calintaan, Sablayan, Sta. Cruz, Mamburao, at Paluan Occidental Mindoro.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling titulo, magkaroon na ng seguridad ang mga ARB sa lupang kanilang sinasaka, magkaroon ng kapayapaan ng pag-iisip, maiiwasan na ang awayan sa lupa at makakapagpokus na sila upang maging ptoduktibo ang kanilang pagsasaka.
Tumanggap rin ang 117 ARBs ng pangunahing tulong pinansyal sa pamamagitan ng Certificates of Condonation Release of Mortgage (COCROM) na umaabot sa kabuuang ₱472,328.36.
Nangangahulugan ito na ang pagkakaitang sa agrarian amortization ay pinatawan na at napalaya na ang mga magsasaka sa matagal na nilang hindi mabayaran.
Sa naturang okasyon, biniguang doing ni OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Ferdinand de Gala ang kahañagahan ng inisyatiba.
“What we distribute are not just ordinary documents—they are proof that our farmers are the rightful owners of the lands they till and that they are now free from agrarian debts. Through these, we strengthen their rights and open greater opportunities to improve their economic lives.”ani de Gala.
Ang habang na ito ay pagbibigay doing sa patuloy na komitment ng DAR sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Conrado Estrella III upang mas palakasin ang land tenure, suporta a maga magsasaka at upang maingat ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries sa buong bansa.(FELIX TAMBONGCO)

