Mga nagkakalat ng basura sa Cainta, dinampot

Share

Hindi na pinalampas ni Mayor Kit Nieto ang talamak na problema ng ilegal na pagtatapon at pagkakalat ng basura sa kahabaan ng Ortigas Avenue sa Cainta, Rizal, partikular na sa tapat ng BF Metal.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng alkalde na bagama’t nauunawaan niya ang pagsusumikap ng ilan na maghanapbuhay, hindi ito sapat na dahilan upang magdulot ng perwisyo sa komunidad at sa kapaligiran.

Ayon kay Nieto, halos araw-araw niyang nasasaksihan ang mga indibidwal na naglalabas ng basura mula sa isang compound patungo sa bangketa.

Doon ay ikinakalat ang mga basura upang mamili ng mga gamit na maaaring ibenta, ngunit iniiwan naman ang mga tirang kalat sa daanan.

Dahil sa gawaing ito, napipilitan ang lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga tauhan para maglinis, kahit sa araw ng Linggo, upang hindi magdulot ng masamang impresyon sa mga motoristang dumaraan sa naturang pangunahing kalsada.

BASAHIN  Pagtanggap sa 400 aplikante para sa malawakang drainage clean up sa Cainta nagsimula na

Kinumpirma ng alkalde na ipinahuli na at pormal na pinakasuhan ang mga indibidwal na sangkot sa nasabing gawain upang tuluyan nang matigil ang ilegal na aktibidad.

Gayunpaman, sa kabila ng naging aksyon, nagpakita pa rin ng malasakit si Mayor Nieto sa pamamagitan ng pag-aalok ng alternatibong kabuhayan sa mga nahuli. Aniya, sa oras na makalaya ang mga ito, maaari silang magtungo sa kanyang tanggapan upang mag-apply bilang mga barangay tanod.

Sa ilalim ng planong ito, ang mga dating lumalabag ang mismong magsisilbing tagapagpatupad ng batas na ang pangunahing tungkulin ay hulihin ang mga mahuhuling nagkakalat at lumalabag sa tamang pagtatapon ng basura sa bayan.

Naniniwala ang alkalde na sa pamamagitan ng pagkakataong ito, magkakaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga suspek habang nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa Cainta. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Mahigit ₱7-M jackpot prize sa PCSO Lotto 6/42, nasungkit na

Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize na ₱7,083,788.60 sa Lotto 6/42 na binola noong Martes. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng...