Labi ng 20 OFW mula Kuwait, dumating na sa bansa

Advertisement

Malungkot na sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan at mga nagdadalamhating pamilya ang pagdating ng labi ng 20 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait nitong madaling araw, April 15, 2026.

Lulan ng isang special flight, lumapag ang mga labi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan agad itong dumaan sa kaukulang proseso bago i-turnover sa kani-kanilang mga pamilya.

Bagama’t hindi pa idinedetalye ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sanhi ng pagkamatay ng lah at ng nasabing mga manggagawa, tiniyak ng ahensya na nakatutok sila sa pagbibigay ng tulong pinansyal at burial assistance para sa mga naiwang kaanak.

BASAHIN  DAR, kumpiyansang matatapos ang pamamahagi ng indibidwal na titulo ng lupa sa 2027
Advertisement

Sa gitna ng mabigat na pagsubok, nagkakaisa ang mga pamilya ng mga nasawing OFW sa paghiling ng pang-unawa mula sa publiko at sa media.

Nakiusap ang mga ito na igalang muna ang kanilang privacy upang mabigyan sila ng sapat na panahon at puwang para sa kanilang pagluluksa at matahimik na pag-alaala sa kanilang mga mahal sa buhay.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na transportasyon ng mga labi patungo sa kani-kanilang mga probinsya. (AR BERNARDO)

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Snatcher na-trap ng Grab driver, arestado

Arestado ang isang 21-anyos na lalaki matapos ma-trap at hindi na makadaan nang harangan ng Grab driver ang kanyang daanan makaraang maghablot ng cellphone...