HomePolice StoryE-sabong sa Bulacan sinalakay,...

E-sabong sa Bulacan sinalakay, 2 gambling kingpin tiklo

HULI ang dalawang pinaniniwalaang gambling kingpin matapos salakayin ng Regional Special Operations Group (SOG) ng Police Regional Office ng Region 3 (PRO3) ang umano’y iligal na e-sabong operation sa Bulacan nitong nakaraang lingo.

Ayon kay PBGen, Jess Mendez, Regional Director ng PRO3, agad na kumilos ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na operasyon sa MRS cockpit arena sa Brgy. Malimpang, San Ildefonso.

Sa isinagawang operasyon, 14 pang katao ang naaresto at tatlong baril ang nakumpiska matapos umanong ipasok ng ilang sabungero sa loob ng sabungan sa kabila ng mahigpit na pagbabawal.

Idinagdag pa ni Mengez na kinumpiska rin nila ang 10 point of sales (POS) machines, at dalawang desktop computers na ginagamit sa in-cockpit betting stations.

BASAHIN  EPD todo puwersa para sa seguridad ng ‘Undas 2025’

Matatandaan na sa isinagawang pagdinig sa senado, nabanggit ang dalawang pangalan ng malalaking gambling operator kung saan pinatunayan ito ni Mendez na sina alyas Recto bilang middleman at alyas Obet bilang operator.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang iba pang posibleng sangkot sa naturang ilegal na aktibidad, ayon pa sa heneral (AR Bernardo)

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA