Libreng hapunan sa Cainta araw-araw muling inilunsad

Share

ISANG linggo matapos maka-rekober sa ikalawang operasyon sa puso, muling binuhay ni Cainta, Rizal mayor Kit Nieto ang libreng hapunan araw-araw sa 300 indigent residents.

Mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas-5 ng hapon, umiikot ang pantry team ng lokal na pamahalaan upang pangasiwaan ang binansagang “CAINTAyo” feeding program. 

Muling sinimulan ang nasabing programa noong nakaraang Biyernes sa San Buena Compound sa Brgy. Sto. Domingo at isusunod naman ang mga informal settlers na nasa Gruar Compound.

Upang matiyak ang kalinisan at kaayusan, ginamit ng lokal na pamahalaan ang One Arena na nagsisilbing kusina upang lutuin at ihanda ang pagkain na pinangungunahan ng General Services department para makatipid. 

“Buffet-style ang ginagawa namin para maiwasan ang labis na pagkuha ng pagkain at masasayang lang dahil sa tira-tira,” ang pahayag ni Nieto. 

BASAHIN  ‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya

Ayon pa sa alkalde buong taon nila ito gagawin upang makabawas sa alalahanin pagdating sa pagkain ng buong pamilya lalo na sa panahong ito ng nararanasang krisis. 

Sabi ni Nieto minarapat niyang gamitin ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan upang aktuwal din nilang maranasan kung papaano maglingkod sa labas ng munisipyo. 

Nilinaw pa ng punong bayan na hindi umano niya pagbibigyan ang mga selfie kasama siya upang hindi aniya mahaluan ng pulitika.

Ang CAINTayo feeding program ay unang inilunsad bago ang COVID-19 pandemic sa kahabaan ng Westbank Road, brgy. San Andres.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Lovi Poe, namatayan

KAPAMILYA ang turing ni Lovi Poe kay Phoebe, ang kanyang alagang aso sa loob ng 17 taon. Nang nalaman niyang may sakit si Phoebe, umuwi...