Feeding program hatid ng mga reporter swak sa mga senior citizen sa Cainta

Share

ABOT-TENGA ang ngiti ng mga senior citizen hatid ng mga reporter sa Cainta, Rizal sa isinagawang feeding program, umaga ng Nobyembre 15, 2025.

Maliban sa pagkain, ipinagpasalamat din ng mga inabandunang lola’t lolo ang mga regalong dala ng mga mamahayag na kabilang sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps.

Ang 42 senior citizen ay nanunuluyan sa One Cainta Sunset Retreat na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Cainta na matatagpuan sa Greenland Subdivision.

Sa isinagawang orientation ng social worker na si Abegail Mae Pastor, ang nasabing retreat house umano ay isa sa mga malalaking proyekto sa ilalim ni Cainta Mayor Keith Nieto.

“Mahal ni Mayor ang ating mga senior citizen dahil ayaw niyang napagpag-iwanan ang mga may-edad na [sa aming bayan],” sabi ni Pastor.

BASAHIN  Kakaibang ‘World Cup’ sa NZ

Isa sa mga pangunahing hatid ng nasabing pasilidad ay ang pangalagaan ang kalusugan ng mga lolo’t lola at komportableng pahingahan.

“Pinapakain namin sila lima hanggang anim nab eses isang araw-almusal, snack s aumaga, tanghalian, snack sa hapon at hapunan. At minsan ay may midnight snack pa sakaling gising pa ang iba bago maghatinggabi,” ayon pa kay Pastor.

IBA PANG BALITA

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

Road rage sa Makati, suspek sumuko 

Sumuko na ang isa pang maangas sa baril matapos kumalat sa social media ang ginawang panunutok at pananakot sa isang motorcycle rider na isa...