Shooting incident sa paparetirong empleyado kinondena ng Meralco

Share

KINONDENA ng Manila Electric Company (Meralco) ang nangyaring pamamaril sa isang empleyado nito na nakatakda na sanang magretiro sa katapusan ng Agosto.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya, inihayag nito ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng biktima at nagbigay ng katiyakan na maglalaan ng suporta sa pamilya ng nasawi.

“Lubos kaming nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng aming kasamahan na nagserbisyo sa Meralco sa loob ng 21 taon. Kasalukuyan na rin kaming nakikipag-ugnayan para ibigay ang mga kinakailangang tulong at suporta sa kanyang pamilya sa gitna ng trahedyang ito,” ang sabi ng pahayag.

Ayon sa pulisya, ang nasabing pamamaril dahil sa alitan sa daan (road rage) ay nangyari noong Miyerkoles, Agosto 27, 2025 sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, Brgy. Salitran 3, Dasmariñas, Cavite.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PMS Wilfred Guevarra ng Dasmariñas PNP, nakausap na umano nila ang naka-rehistrong may-ari ng sasakyan batay sa nakuhang plaka na nakita sa CCTV at sinabi nitong nai-benta na niya ito sa iba.

BASAHIN  Wanted na rapist, nalambat sa Malabon

Agad na natunton ng mga pulis ang bahay ng nakabili na nakatira rin sa nasabing lugar ngunit wala ito sa tinitirhang bahay nang puntahan ng mga awtoridad.

Sa salaysay ng mga kamag-anak, napag-alaman na dahil sa magreretiro na ito kung kaya kailangan niyang puntahan ang mga kasamahan sa trabaho sa main office ng Meralco sa Ortigas Center dahil ipinaghanda siya ng mga ito ng isang salu-salo.

Idinagdag pa ng Meralco na beteranong empleyado ang biktima na kinilala lamang s apangalan na Mayo ay nagsilbi ng 21 taon sa kumpanya at nakikiisa sila sa mga imbestigador upang mapanagot ang salarin.

“Kasalukuyan ring nagsasagawa ng manhunt ang kapulisan sa natukoy na suspect na bumaril sa aming empleyado. Bagama’t tinitingnan pa ang lahat ng posibleng anggulo sa insidente, maaaring dahil ito sa road rage base sa inisiyal na imbestigasyon ng PNP at SOCO,” ayon pa sa pahayag.

Sasampahan ng kasong murder ang suspek habang patuloy itong tinutugis ng mga awtoridad.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Grade 12 student ng Santolan High School, dinospordos, patay

HUSTISYA ang sigaw ni Maricel Ninggo ng Brgy. Santolan sa brutal na sinapit ng kanyang anak na si Marvin Ninggo, isang Grade 12 student...