HomeProvincial1K pamilya ng OFWs...

1K pamilya ng OFWs sa Cainta panalo sa serbisyong hatid ng DMW

NGITING panalo para sa isanlibong pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Cainta, Rizal dahil sa iba’t ibang serbisyong hatid ng Department of Migrant Workers (DMW), kahapon, Agosto 9, 2025 na ginanap sa Karangalan Auditorium.

Ito ang tinuran ni Mayor Kit Nieto sa naging matagumpay na distribusyon ng mga relief goods, medical services at libreng palugaw sa mga kamag-anak ng OFWs na nakatira sa nasabing bayan.

Ginawa ito ilang linggo matapos ang mapaminsalang baha dulot ng hanging habagat at sunod-sunod na tatlong bagyo na humagupit sa bansa partikular na sa Greater Manila Area (GMA).

Matapos maglaan ang DMW ng allotment para sa isanlibong pamilya ng OFWs para mabigyan ng relief goods, kaagad na nanawagan si Nieto sa FB page niya para magbigay ng mga alituntunin.

BASAHIN  3 bata nasagip sa malupit na kamag-anak

“Nilabas ko two weeks ago ang post para imbitahan lahat ng qualified na makapag-register at makinabang dito sa programa,” ang pahayag ng alkalde sa kaniyang social media.

Ayon kay Nieto, ilan sa mga alituntunin ay na kailangang magbigay ng pruweba na nakatira ang pamilya at ang OFW sa isang bahay, photo copy ng passport ng OFW at ID ng kamag-anak na nasa iisang addres lang tulad ng sa OFW na kamag-anak.

Nagpasalamat si Mayor Kit Nieto kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Secretary Hans Cacdac ng Department of Migrant Workers dahil malaking tulong aniya ito sa mga Cainteños na naapektuhan ng nakaraang bagyo at habagat na nag dulot ng baha.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA