KAPAG HINDI NA TATANGGAPIN ANG SAHOD

Ethics complaint laban kay Dela Rosa puwedeng mabasura

MAY posibilidad umano na mabasura ang ethics complaint laban kay Senador Ronald dela Rosa sakaling magkusa siyang hindi na tumanggap ng sweldo at mga allowance habang absent pa rin siya sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Ethics Committee chairman Senador JV Ejercito, ang pagtanggap ng sahod at allowances ang pangunahing dahilan ng reklamo laban kay Dela Rosa kahit hindi naman ito pumapasok.

Matatandaan na mula Nobyembre 2025 pa hindi pumapasok ang mambabatas dahil sa ugong-ugong na may nakahanda na umanong warrant of arrest dito mula sa International Criminal Court.

Sa panayam sa kaalyado nitong senador na si Robinhood Padilla, isa umano ito sa nagpayo kay ‘Bato’ na magtago na muna.

Ngunit binigyang-diin ni Ejercito na pagpapasyahan pa rin ito ng mga miyembro ng komite dahil ito umano ang pinakabuod ng reklamo laban sa senador.

“Di natin sinasabi, depends on the members, ako naman facilitator lang, ang miyembro magde-decide dahil yun ang basis ng complaint it might be basis for dismissal kasi kung ‘di nya na tatanggapin sahod nya, allowances so wala nang basehan ang complaint pero pag-uusapan pa ng members,” paliwanag pa ng senador.

Nanawagan naman kahapon si Ejercito kay dela Rosa na huwag nang tanggapin ang sweldo at allowances para maging payapa na ang isip ng senador.

Pakiusap ito ni Ejercito sa kaniyang kasamahan upang maging patas rin umano sa mga empleyado hindi lang ng senado kundi sa pangkalahatan na sumusunod sa patakaran na “no work, no pay.”

Ang isang senador ay may basic monthly salary mula 293,191 hanggang 334,059 batay sa Salary Grade 31 sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Maliban sa sahod, may karagdagan ding buwanang allowances ang isang senador kapag miyembro ito ng isang komite at pang-operational expenses kaya aabot sa 400,000 hanggang 600,000 ang kabuuang “take-home” package ng isang senador.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...