VP Sara hinamon ni Cong. Abante, harapin ang pagdinig sa Kamara hindi ang media

Hinamon ni impeachment endroser Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante ngayon Huwebes si Vice President Sara Z. Duterte na personal na dumalo sa House Committee on Justice para sagution ang mga alegsyon laban sa kanya hindi ang maglabas ng pahayag sa media.

“Ibigay niya ang kanyang paliwanag sa Committee on Justice. Hindi iyung puro propaganda lang siya,” ayon kay Abante, chairman ng House Committee on Human Rights.

“Ang komite—at ang Senado kung doon ito mauuwi—ang tamang forum para sa kanyang paliwanag. Hindi lamang press release, social media post o press conference ang kanyang dapat gawin.  Kung ganyan lang, malinaw na pag-iwas sa responsibilidad at accountability ito,” dagdag nito.

Inilabas ni Abante ang panawagan dalawang araw matapos ang clarificatory hearing na isinagawa ng justice panel hinggil sa impeachment complaints.

Pinunto ni Abante ang mahahalagang ebidensiya na inilatag sa pagdinig kasama na ang testimonya ni Ramil L. Madriaga, nagpakilalang bagman ni Vice President Duterte at dummy umano ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa ilang bank accounts.

Nabanggit din ang final ruling ng Commission on Audit na nag-affirm sa disallowance na P73 milyon sa confidential at intelligence funds (CIFs) ng Department of Education (DepEd) sa panahong kalihim ito ng DepEd.

Sinuri din sa pagdinig ang findings ng National Bureau of Investigation–Questioned Documents Division (NBI-QDD), kung saan natuklasan ang magkakaparehing sulat kamay at pirma sa acknowledgment receipts ng CIF recipients.

Sa panig ni Abante, ang ulat na ito ay mabigat dahil, “Sa batas, may presumption of regularity ang mga ahensya ng gobyerno—ibig sabihin, inaasahang maayos ang kanilang ginawa at walang halong politika,” aniya.

Ayon pa sa kongresista ang findings ay natukoy ang iregularidad sa paggastos ng P125 milyon  ng CIF na ibinigay sa DepEd. “Ang final disallowance, malinaw: hindi pinayagan ang paggastos ng P73 million dahil kaduda-duda at walang sapat na dokumento,” paliwanag niya. (KARLO GARCIA)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...