Tinio: Audit ng flood control projects dapat COA, ‘wag DPWH

HINILING ng mga lider ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipaubaya na sa Commission on Audit (COA) ang gagawing independent review sa mga flood control projects ng gobyerno sa buong bansa at dapat anilang hands-off na ang mismong Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kina ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Kabataan Representative Renee Co, wala anilang kredibilidad ang ahensya na pangunahan ang gagawing internal investigation lalo pa’t sangkot din umano ito sa mga anomalya.

Ang DPWH ay nangungunang ahensya ng pamahalaan na kilala sa reputasyon nito pagdating sa usaping talamak na korapsyon

“Hindi mapagkakatiwalaan ang DPWH na imbestigahan ang sarili nito samantalang “abot-leeg” [ang pagkaka-sangkot nito] sa mga anomalya. Para bang fox [na hayop] ang pinagbantay natin sa [kulungan ng mga] manok,” saad ni Tinio.

“Bahagi ng problema ang DPWH. Paano mo ia-audit ang sarili mong mga kapalpakan? Magiging whitewash lamang ito, ganun ka-simple,” dagdag ni Co.

Matapos banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Union Address (SONA) ang isyu, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na isusumite nila ang listahan ng lahat ng flood control projects sa nagdaang tatlong taon, lakip na ang kasalukuyang kalagayan at mga detalye kung kailan ito natapos.

Sa ika-apat na SONA ng Pangulo nitong Lunes, inilakip niya ang kautusang ito bunsod ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ni Marcos na sa kabila nang mahigit 5,500 flood control projects ang natapos na, hindi aniya maiaalis ang pagdududa ng publiko na may korapsyon sa proyekto matapos ang naranasang walawakang pananalanta ng bagyo.

Sa pinakahuling datos, umabot sa P1,007 trilyong ang inilaan sa DPWH para sa 2025 budget nito, pangalawa lamang sa Department of Education (DepEd) na may 1.055 trilyong piso.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...