Nuclear energy, susi sa murang kuryente at matatag na ekonomiya — Cojuangco

Nanawagan si Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco na isama ang nuclear energy sa plano ng bansa sa enerhiya, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at tensyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa isang media briefing sa NPC Clubhouse sa Quezon City, inihain ni Cojuangco ang House Bill No. 8567.

Layunin nitong hikayatin at pabilisin ang paggamit ng nuclear energy sa sektor ng kuryente sa pamamagitan ng mga insentibo, pondo, at malinaw na polisiya.

Ayon kay Cojuangco, napapanahon ang panukala dahil masyadong umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na fossil fuel.

Dahil dito, tumataas ang presyo ng kuryente, pamasahe, at mga bilihin, na nakakaapekto sa ekonomiya at sa araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

“Matagal na tayong umaasa sa mga energy source na pabago-bago ang presyo. Kung seryoso tayo sa murang at matatag na enerhiya, kailangan nating kumilos. Hindi na opsyon ang nuclear energy—kailangan na ito,” ani Cojuangco.

Dagdag pa niya, ang panukala ay susunod na hakbang matapos maitatag ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilAtom), na naglatag ng mga patakaran para sa ligtas na paggamit ng nuclear energy. Sa bagong panukala, bibigyang-daan ang mas mabilis na pagpapatupad ng mga proyekto sa nuclear power.

Binanggit din sa panukala ang potensyal ng mga kasalukuyang pasilidad tulad ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na maaari umanong magamit upang makapagbigay ng mas mura at maaasahang kuryente.

“Mayroon na tayong imprastraktura na makakatulong pababain ang presyo ng kuryente at bawasan ang umasa sa imported fuel. Ang tanong na lang ay kung handa na ba tayong kumilos,” dagdag niya.

Ipinunto rin ni Cojuangco na ang nuclear energy ay kayang magbigay ng tuloy-tuloy na supply ng kuryente (baseload power) nang walang greenhouse gas emissions. Hindi tulad ng ibang renewable sources, hindi ito naaapektuhan ng panahon at hindi kailangan ng backup system.

Samantala, iginiit din ng iba pang tagasuporta na makakatulong ang nuclear energy sa paglago ng ekonomiya, paglikha ng trabaho, at pag-akit ng pamumuhunan.

Sa huli, binigyang-diin ni Cojuangco na mahalaga ang agarang aksyon.

“Hindi na tayo dapat maghintay ng panibagong krisis. Kung gusto nating maging mas matatag at independent ang bansa, kailangan nating mamuhunan sa pangmatagalang solusyon tulad ng nuclear energy,” aniya. (RAFFY RICO)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...