E-transport para sa mas murang pasahe, isinusulong ni Sen. Pia Cayetano

Share

ISINUSULONG ni Senador Pia S. Cayetano ang pangangailangan para sa sustainable at pinagsamang solusyon sa sektor ng enerhiya at transportasyon upang matulungan ang mga Pilipinong apektado ng tumataas na gastos sa pamasahe at pabagu-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa paglulunsad ng Iwas Taas Pamasahe E-Transport Solution Program, nagpahayag ng pakikiisa ang senador sa mga drayber, operator, at commuter na nahaharap sa patuloy na pagtaas ng gastos sa transportasyon dulot ng umiiral na sigalot sa Kanlurang Asya.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagprotekta sa sektor laban sa pabago-bagong presyo ng pandaigdigang langis sa pamamagitan ng matatag na seguridad sa enerhiya at makabagong sistema ng transportasyon.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Energy, iginiit ni Cayetano ang mahalagang ugnayan ng energy security at sustainable transportation sa pagbuo ng matatag at inklusibong ekonomiya.

BASAHIN  Partylist groups na lalahok sa halalan sa 2025, babawasan
Kasama sa programa ang pagbabalik ng noo’y tanyag na “Love Bus” (Contributed photo)

Samantala, bilang pinuno rin ng Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking, binigyang-diin ng senadora ang kahalagahan ng pagsusulong ng transportasyong ligtas, abot-kaya, at naaabot ng lahat.

Nanawagan din siya ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga komunidad upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa pag-unlad.

“Ito ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan. Ang inobasyon ay dapat isulong sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos,” ani Cayetano, habang hinihikayat ang whole-of-nation approach upang mapalawak ang green investments at mapabilis ang transisyon tungo sa malinis at modernong transportasyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang mabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang hamon sa tumataas na pamasahe at makatutulong sa pagtataguyod ng isang mas sustainable at makakalikasang hinaharap para sa bansa. (IZA ALDANA)

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Burn ward ng Cainta Hospital, handa na

SINABI ni Cainta Municipal Administrator Keith Nieto kamakailan na naglagay sila ngburn ward sa Cainta hospital para sa mga biktima ng sunog, para hindi...