4,600 atletang Bangsamoro makikipagtagisan sa BARMMAA Meet 2026

PARANG, Maguindanao del NorteMakikipagtagisan ng husay at galing ang 4,600 atletang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association o BARMMAA Meet 2026 simula ngayong araw, Abril 12, 2026.

Nagsimula ang taunang isport sa isang magara at makulay na “Parada ng mga Atleta” na nagmula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod na nasasakupan sa rehiyon ng Bangsamoro.

Si BARMM Education Minister Mohagher M. Iqbal (Photo: SDN)

Inorganisa ang BARMMAA Meet 2026 sa pangunguna ni Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE).

Aabot naman sa humugit-kumulang sa 7,000 katao—kasama ang mga atleta—ang bilang ng buong delegasyon o kalahok sa tagisan ng talino at galing na mula sa 10 schools’ division office (SDO) ng rehiyon.

Kalakip sa nasabing delegasyon ang libu-libong mga mag-aaral, atleta, coaches, at lider ng edukasyon sa ngalan ng pagkakaisa, disiplina, at kahusayan.

Tulad sa mga nakaraang taon, maliban sa makakatanggap ng cash prize ang mga mananalo sa iba’t ibang katergorya sa isport, mayroon din tatanghaling muli na mga mananalo sa ‘Parada ng mga Atleta’ tulad ng best in uniform, best in salute, best delegation, at most friendly delegation.

Nagsimula ang Parada ng mga Atleta bandang alas-4 ng hapon at inabot na hanggang gabi.

Ang paligsahan sa mga sports events ay magsisimula sa Lunes, Abril 13, at magtatapos sa Abril 17 kasama na ang awarding sa mga natatanging atleta.

Ang mga kampeon sa iba’t ibang kategorya at iba pang mga mananalo ay maghahati-hati sa Php1-milyon cash fund na galing sa MBHTE, kasama rin ang mga tropeo, medalya, at ang karangalan na katawanin ang BARMM sa 2026 Palarong Pambansa.

LDS II delegation BARMMAA Meet 2026 (Photo: Tu Alid Alfonso/BMN)

Maglalaban-laban ang mga atleta sa iba’t ibang kategorya tulad ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, basketball, billiards, football, futsal, para-games, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball, wrestling, at wushu.

Ang BARMM ay kinabibilangan ng mga probinsya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Tawi-Tawi; syudad ng Cotabato, Lamitan, Marawi; at Special Geographic Area (SGA) na meron walong munisipyo ng North Cotabato. (Ni Edd K. Usman)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...