Gastusin sa pagpapatayo ng petroleum storage facility mula sa kita ng Malampaya, OK kay Libanan

ISINUSULONG ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang paggamit ng bilyon-bilyong pisong kita mula sa Malampaya para magpatayo ng mga coastal petroleum storage facilities sa ilalim ng Philippine National Oil Co. (PNOC).

Kasabay nito, lubos ang tiwala ng mambabatas na papaboran siya ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives sa panukala niyang na manggagaling ang pondo mula sa kita ng Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.

Ang panukala ni Libanan ay bunsod ng nararanasang krisis sa bansa ng produktong petrolyo dulot ng nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan sa pagitan ng US-Israel laban sa Iran.

Layon ng panukala ni Labanan na magsilbing “buffer stock” o reserbang suplay ang itatayong mga pasilidad upang protektahan ang mga Pilipinong konsyumer at maliliit na negosyante mula sa “oil price shock” o ang biglaang pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina, na kadalasang nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa panukala ni Labanan, magtatayo ng mga storage tanks sa mga estratehikong bahagi ng Visayas at Mindanao.

Hinikayat din ng kongresista ang pamahalaan na payagan ang PNOC na gamitin ang kanilang sariling kita para sa mga capital investment.

Ayon sa datos, umabot na sa ₱200 bilyon ang naiaambag ng Malampaya sa kaban ng bayan mula 2014 hanggang 2024, at 20 porsyento ng kuryente sa Luzon ay nagmula sa Malampaya, (FELIX TAMBONGCO)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...