9 katao, arestado sa huweteng sa Antipolo City

ARESTADO ang 9 katao sa pinaigting na kampanya ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) laban sa ilegal na sugal sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City, Abril 9, 2026.

Sa pangunguna ni PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal PPO, naaresto ang mga rebisador, kabo, at kolektor na sangkot sa operasyon ng huweteng, isang uri ng ilegal na sugal, sa lungsod.

Kinilala ni Eleazar ang mga suspek na “rebisador” na sina alyas Rog 48; alyas Jer, 44; alyas Rose, 37, na nagsisilbi rin bilang babaeng “kristo” at “verifier.”

Tiklo rin ang dalawang “kabo” na sina alyas Rene, 57 at alyas Er, 34, na nagsisilbi rin bilang bet collector, samantalang assistant cook naman si alyas Ern, 56.

Sangkot din ang tatlo pang mga kasabuwat na sina alyas Erald, 42; alyas Son, 57, at alyas Tom, 69 na pawang mga residente sa lalawigan ng Rizal.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang gambling paraphernalia, mga mobile phone, mga calculator, notebook, lastillas, iba pang betting materials at P5,315 na taya.

Kaagad na isinagawa ng mga operatiba ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa operasyon ng huweteng sa nasabing lungsod.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 at Republic Act 9287 bilang amyenda sa PD 1602 na nagtatakda ng mas mataas na multa at parusa sa nasabing ilegal na gawain.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station (Antipolo CCPS) habang inihahanda ang isasampang mga kaso sa Rizal Prosecutors Office.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...