Azcuna sa mga kongresista: “Tama si VP Sara, ‘fishing expedition’ lang ‘yang ginagawa nyo”

ITO ang tinuran ng dating associate justice ng Korte Suprema na si Adolfo Azcuna kaugnay sa isinasagawang ‘evidentiary inquiry’ ng Committee on Justice ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa panayam ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Azcuna, na ang mga ginagawang pagdinig sa komite ng Kamara ay nagiging “entertainment” na kapalit ng mga teleserye sa telibisyon.

“OK lang ang publisidad sa pagdinig ng Senado, pero ang mga committee hearings ay dapat low-key lang. Sa tingin ko mas dapat abangan ng mga tao ang gagawing pagdinig sa Senado,” ang pahayag ni Azcuna.

Lumalabas, ayon pa sa dating mahistrado, na nais ng Kongreso na “i-improve” pa ang mga ebidensya na isusumite ng mga complainant.

“Sa tingin ko, may punto [ang kampo ni VP Sara] kasi lumalabas na galing sa komite ang mga ebidensya at hindi galing sa mga complainants,” susog pa ni Azcuna.

Dagdag pa ni Azcuna: “Pag-aralan nila ang mga ebidensya na isinumite ng mga complainants, hindi yong gusto pa nilang i-improve ang mga ebidensya. Kung gagawin nila ‘yon, fisihing expedition na ang tawag dun.”

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...