Home Trivia Kapitan na namimigay ng pera bida sa masa

Kapitan na namimigay ng pera bida sa masa

0

SINO kaya itong kapitan ng Pasig na ayon sa mga ka-chizmax natin ay ugali na nitong mamigay ng pera hindi lang sa mga ka-barangay Kundi gayundin sa iba pang barangay.

Ayon sa ating Chizmakers, nagulat umano sila nang dumating itong si Kapitan sa isang lamay at namigay ng pera.

“Bago pa mapunta sa mga kurakot ang ang pera natin, pakinabangan na natin baka tayo pa ang mawalan,” ang sabi umano ni kapitan.

Nang makaalis na ito, tuwang-tuwa at nagbubulong-bulungan umano ang mga nagsipaglamay at hindi makapaniwalang magkakapera sila.

Ibinulong pa nga umano ng ilan na dahil napakabait ng kapitan ay iboboto nila ito kapag kumandidatong konsehal o kahit pa nga daw pagka-mayor.

Exit mobile version