May naulinigan tayong isa na namang chizmax mga ka-Brabo.
Ayon sa isa nating Chizmaker, nainis daw itong isang Department Head (DH) nang maimbitahan sa isang xmas party ng isang departamento noong 2025.
Ang dahilan?
Nakupo. Eh paano naman daw kasi, nasa pinakaunahan di-umano ang mga regalo ng pulitiko na posibleng makakalaban ng kaniyang amo sa 2028.
Kaya para naman hindi mapahiya ang kanilang panauhing pandangal eh pinagpalit na lang daw ng pwesto ang mga regalow.
Nasa unahan na ang regalo na may pangalan ng kaniyang amo at yong sa isa ay inilagay na lang sa likuran. Hmmm.
Umiinit na mga ka-Brabo, at nangangamoy na.
