Ano kaya ang hitsura ni Jesus?

Walang nakakaalam kung ano ang hitsura ni Jesus dahil walang sinuman ang may litrato niya.

Sa loob ng daan-daang taon inilarawan si Jesus sa iba-t ibang paraan dahil sa mga likha ng maraming alagad ng sining.

May paglalarawan sa kaniya na isang mahina (weak), mukhang kaawa-awa at mahaba ang buhok.

Sa ibang akda ng sining, inilalarawan siyang makapangyarihan at may sinag sa ulo na hugis bilog.

Bagama’t walang sinasabi ang Bibliya kung ano talaga ang pisikal niyang hitsura, binibigyan naman tayo nito ng ilang ideya kaugnay sa posibleng hitsura niya.

Una, dahil kasiraang-puri sa isang Judiong lalaki kapag mahaba ang buhok, kaya malamang na ang buhok ni Jesus ay maigsi, ayon sa 1 Corinto 11:14.

Ikalawa, imposibleng mahina (weak) ang kabuuang pangangatawan ni Jesus. Sabi kasi ng Bibliya, milya-milya ang nilalakad niya noon para mangaral kaya masasabi nating matipuno at hindi patpating katawan, ayon sa Mateo 9:35.

Ikatlo, malakas siya dahil kinaya niyang buhatin at itaob ang mga mesa at paninda sa templo, maliban pa sa sinanay siya ng kaniyang amain na si Jose bilang karpintero, ayon sa Juan 2:14, 15 at Marcos 6:3.

Ikaapat, sinunod ni Jesus ang kautusan bilang isang Judio na hindi dapat sirain ang dulo ng kanilang balbas. Kaya si Jesus ay mayrong balbas, ayon sa Levitico 19:27.

Ikalima, siya ay may karaniwang hitsura tulad din ng karaniwang mga Judio. Ang hitsura niya ay hindi lubhang naiiba sapagkat kinailangan pa siyang halikan ni Hudas Iscariote para makilala ng mga armadong lalaki na aaresto sa kaniya, ayon sa Mateo 26:47-49.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...