3 sa pinakamatandang empleyado sa mundo

0

Irving Kahn (1905 – 2015)


Si Irving Kahn ang pinkamatandang empleyado sa buong mundo. Isa siyang investment banker sa Amerika at nag-retire sa edad na 109. Opo , 109 years old si Kahn nang nag-retire. Sobrang laki siguro ng kanyang pension dahil maraming dekada siyang nagtrabaho.


Nagsimulang magtrabaho si Kahn bilang ikalawang teaching assistant sa Columbia Business School at patuloy na nagtrabaho hanggang sa siya ay namatay noong 2015. Hindi lang sinabi ng aming source kung ilang araw siyang umabsent sa trabaho.


Totoo kaya hindi raw naniwala sa life insurance is Kahn, dahil lahat daw ng mga nagbenta ng life insurance sa kanya ay namatay na?

Jim Clements (1913 – 2015)


Si Jim Clements ang ikalawang sa pinakamatandang empleyado sa mundo, 100 years old siya nang nag-retire. Office worker siya sa isang security firm sa Essex, England at nagtabaho sa loob ng 86 taon.


Nagsimulang magtrabaho si Clements sa edad na 18 at naglingkuran sa kumpanya nang mahigit 40 taon.


Kahit na nag-retire na siya, nag-part-time pa rin siya sa dati niyang kumpanya – dahil naiinip daw ito sa bahay – hanggang sa panahon na siya’y namatay. Bukod sa pagiging office worker ni Clements, isa rin siyang mahusay na photographer. Ang kanyang mga larawan ay nailabas sa iba’t ibang mga publikasyon at hinangaan ng marami.

Dolly Saville (1915 – 2015)


Ikatlo si Dolly Saville sa pinakamatandang empleyado na nag-retire. Edad 99 siya nang nag-retire bilang isang barmaid sa The Red Lion pub sa United Kingdom. Hindi naman siguro siya pinag-suot ng sexy attire sa mga huling dekada ng kanyang pagtatrabaho, na karaniwan sa barmaids.


Nagsimulang magtrabaho si Dolly sa pub noong siya ay 18 taong gulang pa lamang at nagpatuloy rito hanggang sa edad na 73. Kahit retired, nagtrabaho pa rin siya sa pub kahit part-time hanggang sa kanyang pagpanaw sa edad na 99 noong 2015.

Mga suki naming sa BraboNews, kaya bang talunin ang tatlong ito ng mga lolo n’yo?

About Author

Show comments

Exit mobile version