Industriya ng sapatos sa Marikina tututukan ni Teodoro

TUTUTUKAN ni Congressman Marcelino “Marcy” Teodoro ang pagpapasigla muli sa industriya ng paggawa ng sapatos sa Marikina City, ang tinaguriang “Shoe Capital” ng Pilipinas.

Ayon kay Teodoro, bahagi na ng lungsod ang pagkakakilanlan nito sa industriya ng paggawa ng sinturon, pitaka, bags at sapatos na yar isa matibay na materyales ng balat o leather.

Sinabi pa ng mambabatas na nakasalalay sa industriyang ito ang hanapbuhay ng libu-libong residente ng Marikina n amula pa sa mga kanunu-nunuan hanggang sa bagong henerasyon ng mga manggagawa.

“Patuloy namin itong susuportahan at gagawa kami ng mga programa upang lalo pang patatagin ang lokal na industriyang ito,” ang pahayag ni Teodoro sa panayam ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps.

“Ang mga sapatos na gawa sa Marikina ay hindi lang basta produkto; naging simbolo na ito ng aming pagpapagal, husay at puso ng bawat pamilyang Marikeño na kaya nang makipagsabayan sa buong mundo,” dagdag pa ni Cong Marcy.

Isa si Noel Evangelista, general manager ng C-Point Shoes, sa daan-daang lokal na negosyante sa lungsod na nagpapatunay na maaari nang makipaglaban sa international market ng mga produktong gawa sa balat mula sa Marikina.

“Kaya na namin sa C-Point na makipagkumpitensya sa mga kilalang international brand lalo na pagdating sa kung pagiging matibay lamang ng materyales ang pag-uusapan,” ang sabi ni Evangelista.

Dito sa Marikina, ang mga produkto namin ay gawa hindi lamang ng isang makina, kundi ginawa nang may puso,” dagdag pa ng negsoyante.

IBA PANG BALITA

Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal matapos magsagawa ng test-buy operations ang mga otoridad noong Miyerkules, Mayo 6,...

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...