Torre sinibak; Nartatez itinalagang bagong PNP chief

Share

INIHAYAG ngayong umaga ng Palasyo ng Malakanyang sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inalis na sa puwesto bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si Gen. Nicolas Torre III.

Sa ipinadalang order ni Bersamin na may petsang Agosto 25, 2025, inuutusan nito si Torre na bakantehin ang nasabing opisina at tiyakin na magiging maayos ang turnover sa susunod na itatalagang hepe ng PNP.

Sinabi pa sa nasabing sulat na lahat ng mga baga-bagay kasali na ang mga mahahalagang dokumento, at impormasyon may kinalaman sa nasabing opisina ay patuloy na maisasagawa nang walang hadlang.

Walang sinabi si Bersamin kung ano ang dahilan ng pag-alis kay Torre sa nasabing puwesto.

BASAHIN  Marcos, dinedma si Inday Sara sa SONA?

Ngunit ayon sa nakalap na impormasyon, nagkasagutan umano si Torre at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla may kinalaman sa reassignment ng mga senior police officials.

Ngunit sa nakuhang dokumento ng BRABO News, lumalabas na papalitan si Torre ni General Jose Melencio Corpuz Nartatez Jr.

Hindi pa makumpirma ng BRABO News ang authenticity ng nasabing dokumento.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

P14 Trilyong utang ng Ph, pinaiimbestigahan Duterte, pananagutin?

P120,000 kada Pilipino! Ito ang halaga nang pagkakautang ng bawat Pilipino kahit na ang mga nasa sinapupunan pa ngkanilang ina. Dahil dito, pinapaimbestigahan ni ACT...