2K estudyante sumalang sa inilunsad na CPR-Ready PH campaign ng PHA

Share

MAHIGIT 2,000 mga estudyante mula sa Nangka High School sa Marikina City ang sumalang sa inilunsad na Cardiopulmonary Resuscitation-Rady Philippines Campaig (CPR-Ready PH) sa pangunguna ng Philippine Heart Association (PHA), kaninang umaga.

Isinagawa ang nasabing pagsasanay upang muling ipaalaala hindi lamang sa publiko kundi pati na sa mga mambabatas, pulitiko at Departnment of Education (DepEd) ang implementasyon ng Republic Act 10871 o mas kilala sa tawag na Basic Life Support Training in Schools Act.

Inaatasan din nito ang lahat ng mga pampubliko at pribadong mga paaralan na ilakip sa high school curriculum batay sa angkop na edad ang nasabing basic life support na pagsasanay.

Layunin ng programang ito na maging handa ang mga Pilipino na may kakayahang magligtas ng buhay kapag dumating sa punto o pagkakataon na nasa emergency na kalagayan o pangyayari.

Sinabi ni Dr. Don Robspierre “HeartRob” Reyes, chairperson ng PHA Council on CPR, na ang matututuhan ng mga estudyante sa nasabing pagsasanay ay maipapasa rin nito sa kanilang mga kamag-anak at inaasahan na may isang miyembro ng pamilya na mangunguna rito.

Kasabay ng kampanyang ito ang pagdiriwang ng National CPR Day tuwing ika-17 ng buwan ng Hulyo kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 2024 na kailangang alalahanin at isagawa ito bawat taon.

“Sa bawat 10 kaso ng cardiac arrest, isa lang ang madalas na nakakaligtas, lalo na sa mga developing countries gaya ng Pilipinas. Kakulangan sa emergency responders at maayos na emergency medical system ang dahilan,” ang pahayag ni Dr. Reyes.

BASAHIN  4,500 job opportunities up for grabs as TESDA launches "Skills Compass" on 32nd anniversary

Target ng nasabing pagdiriwang na turuan at sanayin ang mga guro, barangay health workers (BHW), tanod, pulis, at bumbero na kadalasang unang nakakarating o nakakasaksi sa mga emergency.

Nagbigay din ng video message ang ilang mga kilalang personalidad tulad ni actor-politician Richard Gomez kung saan isinulong niya na maging CPR-Ready hindi lamang ang Ormoc City kundi pa rin rin ang buong bansa.

Katuwang din ni Gomez si Senador Lito Lapid kung saan isinusulong naman ng mambabatas na maipasa sa senado ang panukalang maglagay ng Automated External Defibrillators (AED) sa mga pampublikong lugar.

Idinagdagdag pa ng PHA na bagama’t nasa ika-10 taon na ang CPR-ReadyPH Campaign, aminado sila na kulang pa rin ang kaalaman ng maraming Pilipino pagdating sa CPR at paggamit ng AED na ayon sa ahensiya, ito ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang karapatan ng bawat Pilipino.

“Kaya patuloy kaming nananawagan na gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang nagliligtas-buhay na pagsasanay na ito upang mas maraming buhay pa ang mailigtas sa mga emergency,” ayon pa kay Dr. Reyes.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Chef Morris Danzen returns to PH to promote Filipino cuisine through global culinary collaborations

FILIPINO chef and culinary entrepreneur Morris Danzen is returning to the Philippines this August for a series of culinary collaborations aimed at showcasing Filipino...